PatrolPH

4 kumpirmadong 'election-related incidents', naitala ng PNP

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2023 05:20 PM

MAYNILA - Nanatili pa rin sa apat ang natiala ng Philippine National Police na confirmed election-related incidents.

Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief Col. Jean Fajardo, sa 35 recorded incidents, 4 pa rin ang validated election related incidents, 12 ang suspected election-related incidents habang 19 validated non-election related incidents

Dagdag pa ni Fajardo, tatlo sa kumpirmadong election-related incidents ay pamamaril, habang ang isa ay alarm and scandal. 

alawa rito ang kasalukuyan pang iniimbestigahan, habang ang dalawa ay nai-refer na sa Prosecutor's Office.

"Doon naman sa 19 na confirmed non-ERIs, 8 diyan ay shooting, 3 ang stabbing, 1 ang grave threat, 2 robbery incidents, 1 ang alarm and scandal, 1 violation of gun ban, 2 child abuse at 1 kaso ng unjust vexation. Sampu na ang nai-refer natin sa prosecutor's office, 7 ang under investigation, 1
ang nafile na sa korte at 1 ay considered solved dahil yung suspect dito ay na-identify na yung subalit yung biktima refused to file case," paliwanag ni Fajardo.

Sa patuloy na pagpapatupad ng gun ban, pumalo na sa 682 ang naaresto habang nakakumpisaka ng 422 firearms.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.