P9,900 kada buwan ang kailangan ng isang college student sa NCR - grupo

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2022 07:47 AM

Students at the University of the Philippines (UP) in Quezon City, April 13, 2018. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Students at the University of the Philippines (UP) in Quezon City, April 13, 2018. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Kailangan ng isang college student sa Metro Manila ng P9,900 upang makapamuhay nang disente sa loob ng isang buwan, ayon sa consumer group na Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan o SUKI.

Ang pamantayan ay para sa mag-aaral mula sa mga state university o pampublikong kolehiyo, sabi ni Louie Montemar, SUKI convener.

Kabilang na sa budget ang transportasyon, pagkain at upa sa tirahan.

"Sa pag-eestima ng aking mga estudyante, kailangan na nila ng P9,900 mula P7,000 bago ang pandemya," sabi ni Montemar.

Aniya, maging mga mag-aaral ay apektado sa inflation o pagmahal ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

"So, malinaw po na kahit sa buhay ng mga estudyante, kitang kita po ang kahirapan," sabi ni Montemar.

Nitong Agosto ay naitala ang 6.3 percent na inflation rate sa bansa, na bahagyang mas mababa kumpara sa 6.4 percent noong Hulyo.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC