PatrolPH

Lalaki patay, 8 sugatan sa nadisgrasyang dump truck sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2022 04:36 PM

Retrato mula sa Talaingod Municipal Police Station
Retrato mula sa Talaingod Municipal Police Station

Patay ang isang construction worker habang sugatan ang 8 niyang kasama nang madisgrasya ang sinasakyan nilang dump truck sa Talaingod, Davao del Norte noong Sabado.

Dead on arrival sa ospital si Jay Gallo habang ginagamot pa rin ang 8 kasamahan niyang nasugatan, kasama ang truck driver.

Batay sa imbestigasyon, binabaybay ng truck na may kargang mga boulder ang Bukidnon-Talaingod, Davao del Norte Road at patungo sana sa Tagum City.

Pero pagdating sa isang sitio, napansin umano ng driver na nawalan ng preno ang dump truck kaya gumewang-gewang ito at nawalan ng kontrol.

Natumba sa gilid ng kalsada ang truck pati na ang karga nitong boulders.

Patuloy ang imbestigasyon ng Talaingod police sa insidente.

— Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.