PatrolPH

P193 milyon halaga ng marijuana nasamsam, sinunog sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2021 09:09 PM

Kuha ng PNP-Drug Enforcement Group
Kuha ng PNP-Drug Enforcement Group

Aabot sa halos P193 milyonng halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga operatiba ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Kalinga.

Ayon sa PNP, nasa 795,000 fully grown marijuana plants ang nakuha nila sa 18 plantation sites na may standard drug price na P192.9 milyon.

Sinimulan ang operasyon noong Miyerkoles at natapos nitong Biyernes.

Ang mga nasabing plantation sites ay matatagpuan sa Barangay Loccong, Sitio Ballay at Barangay Tulgaon. — Gracie Razon Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.