PatrolPH

SPMC sa Davao City puno na; moderate, critical COVID-19 cases lang muna tatanggapin

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2021 02:59 PM

Southern Philippines Medical Center. File 
Southern Philippines Medical Center. File davao City News, Davao City COVID-19 updates, COVID-19 in regions 

Mga moderate hanggang kritikal na kaso lang muna ng coronavirus disease (COVID-19) ang tinatanggap sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

Ito ay matapos pumalo sa 100 porsiyentong kapasidad ang kanilang mga ward at ICU bed. 

Ayon sa ospital, okupado ang lahat ng 103 ICU beds at 517 ward beds ng SPMC, na nangungunang COVID-19 referral hospital sa rehiyon.

Inabisuhan ang mga mild cases ng COVID-19 na humanap muna ng ibang ospital.

Nagpaalala naman ang SPMC na bawal ang paglipat sa kanilang ospital hangga't walang coordinated referrals.

Maaari silang makipagtulungan sa One Hospital Command Center ukol dito.

Nitong Biyernes ay 929 ang naitalang bagong kaso sa Davao region. Sa kabuuan, nasa 20,144 na ang naitalang aktibong kaso sa rehiyon. 

Sa kabuuan, aabot na sa 85,202 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

— Ulat ni Hernel Tocmo 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.