PatrolPH

Pagbili ng ticket sa mga pantalan planong gawing 'automated' pagdating ng 2021

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2020 08:15 PM | Updated as of Sep 24 2020 07:16 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Gagawin nang automated ang pagbili ng ticket sa lahat ng pantalan, bilang paghahanda sa pagbubukas ng domestic sea trips sa gitna ng pandemya. 

Planong maipatupad ito pagdating ng taong 2021, ayon sa Philippine Ports Authority. 

"Napakaganda ng panahon na ito para we could immediately roll out the system. So there will not be any disturbance sa biyahe nila," ani Jay Santiago, General Manager ng PPA.

Imbes na pumila sa harap ng teller, ilalagay lang sa makina ang panggagalingang lugar, desitnasyon, at schedule ng biyahe. Dapat ding i-type ang pangalan, at piliin ang available na government-issued ID. 

Kapag kumpirmado na ang detalyeng inilagay, maglalabas ng ticket ang makina na may QR code. 

Kapag kumpleto na ang mga makina sa lahat ng pantalan pagdating ng 2021, wala nang teller sa mga booth at gagawin na silang customer service representatives. 

Maaari ring mag-book online at i-print ang ticket tulad ng ginagawa sa mga airline. 

Bukod sa mawawalan ng direct contact sa mga teller, magiging bilang at kontrolado na ang mga sasakay na pasahero sa barko at maiiwasan ang problena ng overloading, ayon sa PPA. 

Masosolusyonan din nito ang problema sa mga fixer. 

Plano ring maglabas ng contact tracing app ang tanggapan para sa mga pasahero ng mga pantalan.  — Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.