MAYNILA - Nakumpiska ng mga awtoridad ang P6.5 milyong halaga ng umano'y misdeclared na luxury bags at sapatos sa Ninoy Aquino International Airport.
Kasama sa mga nakumpiska ang mga mamahaling brand na Prada, Gucci, Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Christian Dior, at Valentino. Aabot sa 157 piraso ng mga damit at bag ang nakumpiska sa naturang package.
Sinabi ng Bureau of Customs na naka-consign sa isang Reynaldo Tan ang shipment na idineklara umanong assorted clothes at shampoo mula Maisons-Alfort sa bansang France.
Itinangka umano ang pagpuslit ng mga luxury goods para maiwasan ang pagbabayad ng karagdagang buwis na kailangan para maipasok ito sa bansa, ayon sa Customs.
"The misdeclaration is an apparent attempt to evade the payment of correct duties and taxes through the use of falsified/spurious documents and circumvent the duty and tax free privileges afforded to balikbayan boxes," ayon sa Customs sa isang pahayag.
Iiimbestigahan at tutugisin ng mga awtoridad ang mga sangkot sa pagpupuslit ng package.
— May ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, NAIA, Customs, luxury bags, misdeclared luxury bags, France