Higit P200-K halaga ng shabu nasabat sa Pasay; 2 timbog

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2020 04:39 AM

MAYNILA - Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng higit P200,000 halaga ng shabu sa Pasay City nitong Huwebes.

Ayon kay Police Cpt. Cecilio Tomas Jr., hepe ng drug enforcement unit ng Pasay City Police Station, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa mga suspek sa Macapagal Blvd., Barangay 76 at nakipagkita malapit sa Seaside Dampa.

Nakuha mula sa mga suspek ang 27 sachet ng kontrabando na may street value na P216,240, ayon sa mga awtoridad.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa laban sa mga nahuling suspek.--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.