Pedicab driver patay sa pamamaril sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 07:00 PM

Napatay Martes ng gabi ang isang pedicab driver sa Calbayog City, Samar matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin.

Sa ulat ng Calbayog police, kinilala ang biktima bilang si Jornie Balentino.

Tatlong salarin ang bumaril sa biktima habang kumakain ito sa tabi ng pedicab bandang alas-6:45 ng gabi, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Tinamaan sa ulo ang biktima na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Isang residente naman ang tinamaan ng ligaw na bala at patuloy na ginagamot sa ospital.

Nakuha sa crime scene ang 4 basyo ng bala ng kalibre .45 na pistol.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen. -- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.