Ilang katao sugatan matapos basagin ng pasahero ang bintana ng LRT-1

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2019 03:24 PM

MAYNILA - Sugatan ang ilang pasahero ng LRT-1 matapos mabasag ang salamin ng bintana ng isang tren nitong Miyerkoles.

Sa inisyal na impormasyon mula kay Sweden Ramirez, spokesperson ng LRT-1, may isang pasahero na nagpumilit buksan ang pinto ng tren habang umaandar.

Binasag umano ng pasahero ang salamin sa bintana. 

Hinuli naman ng guwardiya ang nagbasag na pasahero. Ibinaba siya at mga pasaherong nagtamo ng minor injury sa UN Avenue Station.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad