Bumagal ang daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Maynila at San Juan nitong Martes matapos isara ang Old Sta. Mesa Bridge para sa pagkukumpuni.
Tinatayang nasa higit 8,000 sasakyan ang dumadaan sa Old Sta. Mesa Bridge kada linggo, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) supervising officer for operations Bong Nebrija.
Bunsod ng pagsasara sa tulay, sa ibang kalsada na dumadaan ang mga motorista kaya nakararanas ng mabagal na daloy ng trapiko.
Pero ayon kay Nebrija, dati naman nang mabagal ang trapiko sa may Old Sta. Mesa Bridge.
Maaari aniyang daanan ang Ramon Magsaysay Boulevard habang sarado ang tulay.
Pitong buwan ang inaasahang itatagal ng pagkumpuni sa tulay.
Patuloy rin ang pagsasagawa ng MMDA ng clearing operations sa mga posibleng alternatibong ruta ng mga lungsod. -- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, balita, motorista, trapiko, Old Sta. Mesa Bridge, pagkumpuni, MMDA, Bong Nebrija, San Juan, Manila, transportasyon, biyahe