Motorsiklo sumalpok sa nakaparadang truck; 1 patay

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 05:53 PM

BACOLOD CITY – Patay ang isang 34-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang nakaparadang wing van sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Burgos Extension, Barangay Granada dito, Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon, pauwi na si Jose Leo Bandiola nang maganap ang aksidente.

Ayon sa pulisya, posibleng hindi nakita ni Bandiola ang nakaparadang wing van dahil sa lakas ng buhos ng ulan.

Hinihintay umano ng driver ng truck na si Ronnie Magilimutan ang kasama nito habang nakaparada at naka-hazard sa gilid ng daan.

Nai-release na ng awtoridad ang driver ng truck dahil wala namang naisampang kaso laban sa kaniya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.