Drug suspect huli sa buy-bust sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 06:02 PM

Naaresto ng mga awtoridad noong gabi ng Lunes ang isang lalaki sa buy-bust operation sa lungsod ng Silay, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, nabawi nila ang 14 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P400,000 mula sa suspek na si Joseph Garrucho, 19-anyos.

Nakuha rin sa suspek ang mga kagamitang may kinalaman sa ilegal na droga at P1,000 na pinaniniwalaang nalikom mula sa pagbebenta nito.

Dagdag pa ng pulisya, Pebrero nitong taon nang maaresto si Garrucho sa isa ring buy-bust operation.

Nahaharap ang suspek sa panibagong kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.