Bangkay ng ikatlong batang nalunod sa Tullahan River, natagpuan na

ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 05:45 PM

MAYNILA- Natagpuan na ng mga awtoridad nitong Martes ang labi ng huling batang nalunod sa Tullahan River sa Valenzuela City noong Linggo.

Nakuha na ang bangkay ng 13-anyos na si Rheniel Tejadilla, nakatatandang kapatid ng 10-anyos na si Kerby na nasawi rin sa insidente, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Valenzuela.

Naunang nakuha ang bangkay ng 10-anyos na si Ian Salud at makalipas ang higit 1 oras ay nahanap rin ang bangkay ni Kerby nitong Martes ng madaling araw.

Tinangay ng malakas na agos ng tubig ang tatlong bata noong Linggo ng hapon matapos pilitin kuhanin ang bolang pinaglalaruan ayon sa mga awtoridad.

-ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.