7 kahon ng nakumpiskang seahorse nawala sa Customs warehouse

Leizel Lacastesanto, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 05:42 PM


ZAMBOANGA CITY - Nawawala ang 7 kahon ng pinatuyong seahorse na nakumpiska dito sa lungsod noong nakaraang buwan, sabi ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC), Martes.

Nawala ang mga kontrabandong seahorse sa loob ng warehouse ng BOC noong ika-6 ng Setyembre, sabi ni Customs Collector Lyceo Martinez.

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso, at pinag-aaralan ang posibilidad na may kinalaman ang ilang kawani ng BOC sa pagkawala ng kahon-kahong pinatuyong seahorse, sabi ni Martinez.

"Kung may kasalanan [ang mga tauhan], let them suffer," sabi niya.

Nakumpiska ang mga seahorse na tinatayang nagkakahalaga ng P3.6 milyon sa loob ng isang container van sa pantalan dito sa lungsod noong Agosto.

Ayon sa mga awtoridad, galing umano ang mga ito sa Tawi-Tawi at dadalhin sana sa Maynila para ibenta.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.