4 patay sa magkahiwalay na engkuwentro sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 07:47 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang 4 katao sa magkahiwalay na engkuwentro sa Quezon City sa magdamag.

Napatay ang isang hinihinalang tulak at isang police asset matapos mauwi sa barilan ang buy-bust operation sa Barangay Culiat.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Joselito Esquivel, nagpaputok umano si alyas Jelo nang mahalata niyang pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Tinamaan ang police asset na kasama ng pulis na dahilan sa pagkamatay nito.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan si Jelo na nagresulta sa kaniyang agarang pagkamatay.

Samantala, napatay ng mga pulis ang 2 hinihinalang holdaper sa Road 10, Project 6.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga salarin. Isa rito ay dead on the spot, habang hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang isa.

Ayon kay Esquivel, nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis matapos mapag-alaman ang insidente ng holdapan.

Natunton ng mga pulis ang mga salarin at napuruhan na naging sanhi sa kanilang pagkamatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.