2 IEDs natagpuan sa Basilan

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2018 09:13 AM

Nakita ang dalawang IED sa clearing operations ng Barangay Peace Action Team sa Ungkaya Pukan sa Basilan. Larawan mula sa 18th Infantry Battalion ng Philippine Army

UNGKAYA PUKAN, Basilan – Dalawang improvised explosive device ang natagpuan sa Barangay Kamumburingan, Sabado, sa nasabing bayan.

Sa mga litrato mula sa 18th Infantry Battalion ng Philippine Army, ang pampasabog ay nakalagay sa 750 ml na bote na may lamang ammonium nitrate fuel oil, 1.5 meters detonating cord, blasting cap, at dalawang pressure type switch.

Mga miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT) ang nakakita sa IEDs habang nagsasagawa ng land mine clearing operation sa lugar.

Naniniwala naman ang awtoridad na Abu Sayyaf group ang may gawa ng IED para makapanakit ng sibilyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.