Suspendido ang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa Huwebes, Setyembre 21, kasunod ng pagtatakda nito ni Pangulong Duterte bilang "National Day of Protest".
"September 21 is not a holiday, I have declared it a day of protest. 'Yong gusto mag protesta laban sa gobyerno, laban sa pulis, laban sa military o lahat, magbabaan kayo lahat," ani Duterte.
Dagdag niya: "Walang trabaho. O kung gusto niyong taga-gobyerno, merong mga unyon-unyon dyan, they should participate."
Hindi naman nailinaw kay Duterte kung kasama rin ang mga pribadong paaralan sa mga walang klase sa darating na Huwebes.
Gugunitain sa Setyembre 21 ang ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Inaantabayanan pa kung magkakaroon ng opisyal na dokumento mula sa Malacañang kaugnay sa suspensiyon ng klase at trabaho sa Huwebes.
-- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Pangulong Rodrigo Duterte, Batas Militar, Martial Law, September 21, balita, walang pasok, #WalangPasok, walangpasok