TEL AVIV – Nagbukas na kamakailan ang Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Tel Aviv, Israel. Dumating na rin sa Israel si Vichael Angelo Roaring, na magsisilbing Commercial Counsellor ng PTIC.
Ang PTIC ay magiging overseas office ng Department of Trade and Industry, na bahagi ng Philippine Embassy.
Layon ng PTIC Tel Aviv ang pag-promote ng export ng Philippine products at services sa Israel at pangasiwaan ang pagpasok ng Israeli investments sa Pilipinas.
Si Counsellor Roaring (pangatlo mula sa kanan) kasama ang Embassy officials (mula kaliwa patungong kanan) Third Secretary at Economic Section Head Teri Adolf Bautista, Third Secretary at ATN Section Head Patricia Narajos, Deputy Chief of Mission Anthony Achilles Mandap, Labor Attache Rodolfo Gabasan, at Welfare Officer Dina Ponciano (Tel Aviv PE Photo)
"The opening of PTIC Tel Aviv marks another milestone in Philippines-Israel trade relations. More than being a representation of our increasing bilateral trade, this also manifests our eagerness to bring in more high-quality Philippine products for the enjoyment of Israeli consumers, as well as our resolve to entice Israeli firms and startups to pursue exciting investment opportunities in our country,” sabi ni Ambassador Pedro Laylo, Jr.
Si Philippine Ambassador Pedro Laylo, Jr. at Commercial Counsellor Vichael Angelo Roaring sa pagsisimula ng kanyang tungkulin bilang pinuno ng Philippine Trade and Investment Center Tel Aviv (PTIC TLV) (Tel Aviv PE Photo)
Isusulong din ng PTIC Tel Aviv ang pagpapasigla ng bilateral economic cooperation sa pagitan ng Filipino at Israeli firms sa pamamagitan ng innovation at technology exchange.
Saklaw din ng kanilang tungkulin ang gabayan ang Israeli investors sa pag-access sa Philippine market, pagbusisi, at magpanukala ng bagong trade laws, kasama rin ang magbigay gabay ukol sa consumer preferences ng dalawang bansa.
Sina Third Secretary Bautista at Counsellor Roaring kasama ang mga kinatawan ng semiconductor manufacturer Vishay (Tel Aviv PE Photo)
Bilang serbisyo sa overseas Filipinos sa Israel, ang PTIC ay magbibigay din ng financial literacy at pagsasanay sa pamumuhunan sa mga gustong magnegosyo sa Pilipinas.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Israel, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.