PatrolPH

Peñafrancia procession, dinaluhan ng 1.3 milyong deboto

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2023 07:36 PM

Photo courtesy of Aireen Perol.
Photo courtesy of Aireen Perol.

Naibalik na nitong Sabado ang mga imahe ni El Divino Rostro at Nuestra Señora de Peñafrancia sa pamamagitan ng fluvial procession matapos ang siyam na araw na pananatili sa Naga Metropolitan Cathedral.

Sa kabila ng matinding init ng panahon, libo-libong deboto ang nakiisa habang color-coded at makukulay naman ang suot ng mga voyadores na lumahok sa fluvial procession sa kahabaan ng Naga River.

Sila ang nagsilbing escort sa pagoda kung saan nakasakay ang mga imahe ni El Divino Rostro at ni Inang Peñafrancia na siyang patrona ng rehiyon.

Ayon sa Joint Operations Center ng Naga City Government, nasa 1.3 milyon na mga namamanata at deboto ang lumahok sa Traslacion at Fluvial procession ngayong taon. 

Ginanap ang Traslacion noong ika- 8 ng Setyembre kung saan inilipat ang mga imahe ng dalawang santo mula sa Basilica Minore papunta sa Naga Metropolitan Cathedral.

Pasado alas-5:30 ng hapon nang maiuwi naman ang mga imahe sa Basilica Minore.

- ulat ni Aireen Perol

Watch more News on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.