PatrolPH

Higit 10,000 sasabak sa 2023 Bar examinations

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2023 09:06 AM

MAYNILA — Mahigit 10,000 na nagnanais maging abogado ang sasabak sa 2023 Bar examinations na nagsimula ngayong Linggo, Setyembre 17, ani Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairperson ng pagsusulit ngayong taon.

"Let me share with you that as of today, the Supreme Court of the Philippines, through the Office of the 2023 Bar Chair, expects to welcome a total of 10,791 individuals to our 14 local testing centers spread across the country," ani Hernando.

Dagdag ni Hernando, nasa 5,821 and kukuha ng Bar examinations sa unang pagkakataon habang 4,970 ang sasalang sa parehong exam hindi bababa sa pangalawang pagkakataon.

Sinalubong ni Hernando ang ilang examinees sa San Beda College Alabang sa Muntinlupa City ngayong Linggo ng umaga. 

Aniya, handa ang ilang tauhan ng hudikatura para siguraduhin ang integridad at ang maayos na pagsasagawa ng Bar exams.

Naka-schedule sa tatlong araw ang Bar exams ngayong taon.

Ang una ay ngayong Linggo at ang mga susunod na schedule ay sa Setyembre 20 at 24.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.