PatrolPH

'Baha ka lang, teacher kami': Ilang guro sa Iloilo tumawid sa baha para makapagturo

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2021 11:37 PM

Mga guro sa Iloilo tumawid sa baha para makapagturo 1
Mga guro sa Iloilo tumawid sa baha para makapagturo 2
Mga guro sa Iloilo tumawid sa baha para makapagturo 3
Mga guro sa Iloilo tumawid sa baha para makapagturo 4

Nilusong ng mga guro ng isang paaralan sa Sara, Iloilo ang baha, tinawid ang mga sapa, at nilakad ang maputik na daan para lang mihatid ang pangunahing edukasyon sa kanilang mga estudyante.

ILOILO - Hindi alintana ng mga guro ng Del Castillo Elementary School sa Brgy. Del Castillo, Sara, Iloilo, ang baha, putik, at layo ng lugar para lang maihatid sa kanilang mga estudyante ang pangunahing edukasyon.

Setyembre 16 nang nagsagawa ng pre-assessment sa Numeracy at Literacy ang mga guro sa Sitio Tugas isang malayong sitio ng Brgy. Del Castillo nang maabutan sila ng malakas na ulan.

Pauwi na ang mga guro ng maabutan ng tubig-baha matapos tumaas ang lebel ng tubig sa mga sapa at ilog na kanilang kailangang tawirin.

Sakay isang karosa na hila-hila ng kalabaw ay tinawid ng mga guro ang tubig-baha at nilakad ang maputik na kalsada.

Ayon kay Jay Marty Victoria, teacher-in-charge ng eskwelahan, saludo siya sa ipinakitang kasipagan ng kanyang mga guro para lang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga estudyante na malalayo ang lugar.

Dagdag pa ni Victoria, isang beses sa isang linggo nila ginagawa ang coaching at monitoring sa mga estudyante na nasa malalayo ang lugar matapos na wala pang pahintulot ang face-to-face classes na dulot ng pandemya.

Mahigpit din na sinusunod ng mga guro ang minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Aminado si Victoria na mahirap para kanilang mga guro ang kasalukuyang sitwasyon pero handa silang gampanan ang kanilang sinumpaang propesyon mabigay lamang ang kalidad na edukasyon sa kanilang mag-aaral.

-- Ulat ni Rolen Escaniel 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.