San Juan naglatag ng motorcycle, bike lanes para sa 'new normal'

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2020 02:41 PM

Naglagay na ang lokal na pamahalaan ng San Juan ng dedicated bike lanes at motorcycle lanes sa kanilang mga kalsada. 

Ito ay para hindi na makipagpatintero sa mga sasakyan ang mga papasok sa trabaho na naka-bisikleta o e-scooter ngayong new normal, kung saan limitado pa rin ang mga pampublikong sasakyan. 

Nasa outermost lane ng kalye ang bike lane katabi ng bangketa. 

Katabi naman ng bike lane ang motorcycle lane para hindi na rin sumingit-singit ang mga motor sa daan.

Hindi puwedeng humarurot dahil 25 kilometers per hour lang ang speed limit dito. 

Bukod diyan, nagtalaga rin ang PNP ng mga pulis na nakabisikleta upang sumita sa mga lalabag sa health protocols tulad ng requirement na magsuot ng face shield at face mask. 

Nagpasa rin kamakailan ang LGU ng ordinansang bawal dumura sa lansangan. 

"So 'yung ating enforcers ngayon naka-body cam na sila, importante na 'yung body cam sapagkat hindi lang 'yung nagva-violate ng bike lanes ang nahuhuli kung hindi 'yung mga hindi nagsusuot din ng face mask, face shield at bagong ordinansa na anti-spitting ordinance," ani San Juan Mayor Francis Zamora. 

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.