P60-M halaga ng smuggled cigarettes nasabat sa Subic

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2020 05:02 AM

MAYNILA - Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang aabot sa P60 milyong halaga ng smuggled cigarettes sa Subic port nitong Miyerkoles.

Ayon kay BOC district collector Marites Martin, magkahiwalay na dumating sa pantalan ang dalawang 40-feet container van noong Sept. 5 at Sept. 6 na nakaconsign sa BWFIC Trading mula China. 

Base sa mga documento ng mga shipment, mga steel wire mesh ang laman ng dalawang container van. 

Nagpalabas ng pre-lodgement control order at alert order ang BOC para sa mga naturang shipment. 

Isinailalim sa 100 percent examination ang mga kargo at dito nakita na naglalaman ang mga ito ng mga smuggled cigarettes.

Kinumpiska ang mga ito dahil sa misdeclaration o paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.--Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.