'One-time big-time' operation laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko, ikinasa

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2020 06:12 AM

MAYNILA - Nagsagawa ng "one-time big-time" operation ang LTO, PNP Highway Patrol Group at MMDA nitong Miyerkoles ng gabi para hulihin ang mga lumalabag sa batas-trapiko.

Pinagsabihan ang mga taxi driver na walang face shields o mga mali ang pagsusuot ng mask.

Tiniketan ang mga may violation, kagaya ng overloading sa mga truck.

Nagsagawa rin ng random drug tests sa mga driver ng pampublikong sasakyan.

Sa 36 na driver na tinest, isa ang nag-positive.

Sasailalim sa confirmatory test ang driver at posibleng masuspinde sa pagmamaneho.

Ginawa ang one-time big-time operation na ito sa 4 na lugar sa Maynila at Quezon City.

Ayon kay Police Lt. Col. Wilson Doromal ng HPG-NCR, ginawa nila ito dahil sa dumadaming aksidente sa kalsada.

Karamihan umano ng mga aksidente sa daan ay dulot ng mga sasakyang minamaneho ng mga lasing o naka drogang mga driver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.