Swiss, asawang Pinay tiklo sa Caloocan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2019 05:03 AM

MAYNILA—Arestado ang isang Swiss at asawang Pinay sa buy-bust operation sa Bagong Barrio, Caloocan City Lunes ng gabi.

Nabilhan ng mga pulis ng 3 sachet ng hinihinalang shabu ang Pinay sa loob ng kanilang bahay.

Hinuli rin ang kanilang kasambahay na kasama umano sa drugs watch list sa lugar. Dawit naman ang Swiss na 3 taon nang naninirahan sa Pilipinas.

Giit ng mga suspek, tinaniman lang sila ng ebidensiya dahil galit sa kanila ang kapitbahay na may utang sa kanila.

Samantala, timbog ang 8 katao sa buy-bust operation sa Bagong Silangan, Quezon City.

Target ng operasyon ang mag-live-in partner kung saan kalalaya lang ng babaeng suspek.

Huli rin ang 6 nilang kasamahan, kabilang ang 18 anyos na babae na umaming nagtutulak.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.