Lalaki nalunod sa dagat sa Zamboanga

Rj Rosalado, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2019 12:27 PM

MAYNILA- Nalunod ang isang lalaking naliligo sa Caragasan Beach sa Maasin, Zamboanga City noong Lunes ng gabi.

Mag-isa umanong naligo si Basil Arabi at hindi ata namalayan na nasa malalim na bahagi na siya ng dagat kaya nalunod, ani ng saksing si Aida Lim.

Sinubukang sagipin ng ilang residente ang biktima ngunit hindi nagtagumpay.

Ayon kay Juvy Ann Aribe, kapitan ng Barangay Maasin, madalas nilang nakikita na palakad-lakad sa daan ang lalaki na taga-Sitio Kapuk sa Barangay Sinunuc.

Kinuha na ng mga kamag-anak ang katawan ni Arabi habang patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng mga pulis sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.