Trabahador patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 10:24 PM

ILOG, Negros Occidental - Patay sa pamamaril ang isang trabahador sa bayan ng Ilog, Negros Occidental Linggo ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakasakay sa kaniyang motorsiklo ang biktimang si Bernardo Fuentebella Jr., 57-anyos, nang mangyari ang insidente.

Tinambangan ng nakamotorsiklong mga salarin ang biktima sa may Barangay Manalad at binaril sa ulo na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Walang plaka ang motorsiklo at natatakpan ang mukha ng mga salarin.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.