'Nanlaban': 2 patay sa buy-bust sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 01:26 AM

DAVAO DEL SUR -- Patay ang 2 hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Barangay Sinawilan, Matanao, Davao del Sur Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Cris Joe Cabarrubias Eleazar at Jan Ray Cumahig.

Narekober mula sa kanila ang P18,000 halaga ng shabu at marijuana, isang kalibre .45 na baril, at isang kalibre .38 na baril.

Ayon sa mga awtoridad, nanlaban umano ang mga suspek nang mahalata nilang pulis ang kanilang katransaksiyon.

Hindi na umabot ng buhay ang mga suspek nang dalhin sa ospital.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, miyembro umano ng isang drug group ang mga suspek at kabilang din sa narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). - ulat ni Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.