Jackpot sa UltraLotto, umabot na sa mahigit P625 milyon

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 10:07 PM

Umabot na sa mahigit P625 milyon ang jackpot sa UltraLotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Hindi pa rin napanalunan ang jackpot prize na P625,503,012 sa draw nitong Linggo na may winning combination na 34-15-39-53-36-43.

Inaasahang aabot sa mahigit P645 milyon ang jackpot sa UltraLotto para sa draw sa Martes.

Nitong Lunes, wala ring nanalo sa Grand Lotto 6/55 at MegaLotto 6/45.

Umabot na sa P37,517,658 ang jackpot prize Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 19-32-29-39-02-17.

Umabot naman sa P12,917,683 ang jackpot prize sa MegaLotto 6/45 na may winning combination na 29-30-07-16-17-14.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.