Inmate sinaksak ng kapwa preso habang gumagawa ng parol

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 07:12 AM

BACOLOD CITY -- Sugatan ang isang inmate sa Metro Bacolod District Jail dito matapos saksakin ng kapwa preso, Linggo ng umaga.

Gumagawa ng parol ang inmates sa special intensive care area nang biglang magkasagutan ang biktima at suspek, ayon kay Jail Inspector Ma. Lorelie Dimaculangan.

Dahil dito, sinaksak aniya ng suspek ang kanang balikat ng biktima gamit ang matalim na stick.

Agad namang naawat ang 2 ng mga kasamahan, kabilang ang kapatid ng suspek.

Patuloy na ginagamot sa ospital ang biktima, samantalang inilipat sa Talisay jail ang suspek at kapatid nito.

Patuloy pang iniimbestibahan ang insidente. Hinihintay rin ng mga awtoridad kung magsasampa ng kaso ang biktima.

Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.