Bato tiniyak ang seguridad ni Palparan sa Bilibid

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2018 01:19 PM | Updated as of Sep 17 2018 01:49 PM

MAYNILA - Walang nakikitang problema ang New Bilibid Prisons sa paglilipat sa kanila kay retired Army Major General Jovito Palparan na nahatulang guilty sa pagdukot sa dalawang UP students noong 2006.

Sa panayam ng Radyo Patrol Lunes, sinabi ni Bureau of Corrections Director Ronald "Bato" dela Rosa na handa ang kanilang pasilidad kung saan dapat ikulong si Palparan.

Banggit pa ni Dela Rosa na walang problema sa pagiging heneral ni Palparan dahil may heneral ding nakapiit sa Bilibid, tulad ni Major General Carlos Garcia, na nahatulan din ng korte.

Tiniyak din ni Dela Rosa ang kaligtasan at seguridad ni Palparan habang nasa loob ng Bilibid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.