51 tiklo sa police ops sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2017 02:06 PM

 MANILA - Arestado ang 51 indibidwal sa magkakasabay na operasyon ng pulisya sa Pasay, Sabado ng magdamag. 

Kabilang sa mga nahuli ang 8 drug suspect na nakuhanan ng 3 pakete ng hinihinalang shabu at marijuana, ayon kay Supt. Gene Licud. 

Nadampot din ang 2 taong may arrest warrant, 19 na lalaking walang suot na damit pang-itaas, 13 na nag-iinuman sa pampublikong lugar at 8 na lumabag sa batas-trapiko. 

Nangako si Licud na mas paiigtingin ng pulisya ang kampanya kontra krimen na dating tinawag na "One Time Big Time" operation. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.