PatrolPH

'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2020 08:02 PM

Watch more on iWantTFC

Agosto 31 ang huling araw ng operasyon ng ABS-CBN regional stations. Natigil man ang trabaho, nananatiling tapat ang mga na-retrench na empleyado sa panatang "In the service of the Filipino."

Kamakailan ay nagsama-sama bilang volunteer ang dating mga empleyado ng ABS-CBN regional office sa Bacolod para maghatid ng relief packs ng Pantawid ng Pag-ibig sa 1,500 drivers, construction workers, at senior citizens sa iba't ibang barangay.

"Malaking pasasalamat sa ABS-CBN, na malaki ang tulong sa aming barangay ngayong lockdown," ani Rudy Baydo, chairperson ng Barangay 6.

"Hanggang next week pa ito... Nag-request tayo na kung puwede ma-extend din sa Visayas ang ating Pantawid ng Pag-ibig," ani Angelo Angolo, dating public service officer ng ABS-CBN Bacolod.

Inilunsad noong Marso ng ABS-CBN ang Pantawid ng Pag-ibig para makapag-abot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic. Noong una'y Metro Manila lang ang sakop ng programa pero pinalawig na ito sa ibang mga lalawigan sa Luzon.

Buong puwersa ring nagtulungan ang mga na-retrench na empleyado ng ABS-CBN sa Iloilo at Tacloban para maipamahagi ang tig-1,500 relief packs ng Pantawid ng Pag-ibig.

"Yolanda survivors kami, kaya we know how it feels sa nangangailangan ng tulong," ani Sharon Carangue, dating news head sa ABS-CBN Tacloban.

"Very fulfilling na mag-extend ng public service," dagdag niya.

Isa itong patunay na walang hamong maghihiwalay sa mga magka-Kapamilya, saan man dalhin ng kapalaran ang bawat isa.

"Naipasara lang naman ang physical structure, pero ang puso at commitment... 'yong commitment na gusto tumulong, hindi nila mapapatigil," ani Angolo.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 1
'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 2
'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 3
'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 4
'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 5
'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 6
'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 7
'Pantawid ng Pag-ibig': Retrenched ABS-CBN employees sa mga lalawigan nag-relief ops 8

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.