Electrician nahulihan umano ng P6.8-M halaga ng shabu sa QC

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2020 05:55 AM | Updated as of Sep 16 2020 09:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City nitong Martes.

Ayon kay Paul Castro ng PDEA-NCR, nasakote nila sa operasyon ang suspek na si "Jayson", isang electrician.

Ilang linggong minanmanan ng mga operatiba ang nasabing suspek, na miyembro umano ng sindikato na nagbabagsak ng malakihang halaga ng ilegal na droga sa Cubao. 

Karaniwan umanong parokyano ng suspek ang mga tricycle driver sa nasabing lugar.

Nakipagtransaksyon ang mga operatiba sa suspek mag-aalas 11 ng gabi at dito na nakumpiska sa suspek ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa isang kahon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.