Pagbawal sa mga pribadong sasakyan sa EDSA tuwing rush hour, inihihirit

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 06:21 PM | Updated as of Sep 17 2019 12:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inihirit ng isang mambabatas ngayong Lunes ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan na dumaan sa EDSA tuwing rush hour.

Sinabi ni Caloocan Rep Edgar Erice sa DZMM na malaki ang iluluwag
ng EDSA kung ipagbabawal ang pagdaan ng mga pribadong sasakyan mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Epektibo lang ito hanggang sa matapos ang rehabilitasyon ng MRT-3, pagtatayo ng METRO Manila subway, at kontruksyon ng North luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX) connector, dagdag pa ni Erice. 

"Kailangan maihatid muna natin nang mas mabilis ang ating mga manggagawa at makauwi sila nang mas maaga," sabi ni Erice.

Nasa 300,000 pribadong sasakyan ang dumadaan sa EDSA kada araw, ayon kay Erice, na vice chairperson ng House committee on Metro Manila development.

Pag-aaralan pa ng Metropolitan Manila Development Authority ang nasabing panukala.—May ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.