Dating pulis, kasamahan patay sa engkuwentro sa Kawit

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 09:38 AM | Updated as of Sep 16 2019 09:42 PM

MANILA - Patay ang isang dating pulis at kasamahan nito matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad sa Kawit, Cavite, Lunes ng umaga.

Watch more in iWant or TFC.tv

Maghahain dapat ng arrest warrant ang mga operatiba laban sa dating pulis na si Arlan Ranera Aguilar para sa kasong robbery at homicide, ani Cavite police chief Col. William Segun. 

Pero nakaramdam aniya si Aguilar at hindi pa nakikilalang kasamahan na sinusundan ng mga pulis ang kanilang motorsiklo kaya pinaharurot nila ito palayo. 

Nakorner ng mga awtoridad ang mga suspek sa Abaya Road, Barangay Toclong, kung saan umano nila pinaputukan ng baril ang mga awtoridad, dahilan para gumanti ang mga ito at agad na mapatay ang 2. 

Miyembro ng "Gapos Gang" ang mga suspek na sangkot din sa pagdukot sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue, ani Segun.

Dawit aniya si Aguilar sa pagpatay kay Insurance commissioner Eduardo Torres Malinis na itinali at ninakawan. 

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.