Suplay ng tubig sa ilang lugar sa Luzon, lilimitahan hanggang Martes

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2018 04:05 PM

Nag-abiso ang Maynilad ng paglimita sa suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan, at Cavite simula Linggo hanggang Martes.

Ayon sa Maynilad, ipatutupad nila ang rotational water supply availability dahil sa pagtaas ng turbidity o paglabo ng raw water sa Ipo Dam.

Sa ilalim ng rotational water supply availability, may partikular na oras lamang sa loob ng araw na mawawalan ng tubig ang mga kostumer.

Kabilang sa mga makararanas ng rotational water supply availability ang ilang barangay sa mga sumusunod na lugar:

  • Bulacan
    Meycuayan​
    ​Obando
     
  • Metro Manila
    Caloocan
    Las Piñas 
    Makati 
    Malabon​
    Maynila​​
    Navotas
    Pasay 
    Parañaque​
    Quezon City
     
  • Cavite
    Bacoor​
    Imus

Pinag-iipon ng Maynilad ng tubig ang mga konsumer sa mga lugar na ito.

Makikita ang buong iskedyul ng rotational water supply availability sa Facebook page ng Maynilad.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.