State of calamity, idineklara sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2018 05:30 PM

MAYNILA - Isinailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Kalinga dahil sa pinsalang dala ng bagyong Ompong.

Ayon kay Governor Jocel Baac, aabot sa higit P1 bilyon ang halaga ng pinsalang dala ng bagyo sa lalawigan.

Isa ang naiulat na nasawi sa Kalinga sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Alas-9 ng gabi noong Sabado nang makalabas sa Philippine area of responsibility si Ompong, na sa ngayon ay itinuturing bilang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa nitong taon.

Ibinaba na rin nitong Linggo ang lahat ng storm signal at inaasahang bubuti ang lagay ng panahon sa bansa simula Lunes, ayon sa state weather bureau na PAGASA.- ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.