San Roque dam patuloy na magpapakawala ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2018 04:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Posibleng hanggang dulo ng Setyembre patuloy na magpapakawala ng tubig ang San Roque Dam, ayon sa National Power Corporation

Nasa critical level na ang dam na nasa 287 meters above sea level at target na maibaba ito sa 275 meters lamang kaya bukas pa rin ang 2 gates nito, na nagpapakawala ng 1,646 cms o katumbas ng 8,230 dram ng tubig kada segundo, ayon kay Odette Rivero, tagapagsalita ng ahensiya.

Ngunit ayon naman sa PAGASA, na gumagamit ng normal high level na 280 meters bilang pamantayan, posibleng 2 hanggang 3 araw pang magpakawala ng tubig ang naturang dam.

Posible ring bahain ang mabababang lugar sa Pangasinan bunsod nito, babala ni Richard Orendain, hydrologist ng PAGASA.

"Kailangan natin kasing i-maintain 'yung stability ng structure natin dahil nga pag punong-puno ung isang dam natin, wala tayong kasiguruhan," aniya.

Dagdag niya, wala namang dapat ikabahala dahil unti-unti namang isasara ang gates sa dam. 

Nagpatupad na ng forced evacuation sa low-lying areas sa Pangasinan, partikular sa San Manuel at San Nicolas.- kasama ang mga ulat nina Elaine Fulgencio at Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.