Nangibabaw ang kabayanihan matapos sagipin ng isang lalaki ang mga kaklase ng kaniyang kapatid na muntik nang maipit ng gumuhong lupa sa Baguio City.
Nakalabas na nitong Linggo sa ospital si Ricky Madamba, 20 anyos, matapos magtamo ng mga sugat dahil sa pagsagip sa mga kaklase ng kapatid.
"Inalala ko po lahat 'yong ano eh, buhay po sana lahat, walang matatabunan," sabi ni Madamba sa panayam ng ABS-CBN News
Natabunan ang dalawang kuwarto ng ginagawang bahay ng pamilya nina Madamba sa Ciudad Grande II sa Bakakeng, Baguio matapos gumuho ang lupa sa may likuran nito.
Kinain din ng landslide ang basement at muntik pang ma-trap ang dalawang kaklase ng kapatid ni Madamba.
Nagbasag ito ng salamin para makalabas ang dalawa.
"Saglit lang na nangyari hindi namin ine-expect," anang ina ni Madamba na si Norma.
Labis ang takot na naramdaman ni Norma nang makitang duguan ang anak.
"Akala namin 'di na makakaligtas ang anak ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil buo pa rin kami," sabi ni Norma.
-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, balita, rehiyon, Baguio City, landslide, Ompong, OmpongPH, Mangkhut, TV Patrol, TV Patrol Top, Angel Movido, good vibes, good news, Ricky Madamba, Bakakeng, Baguio