Lalaki natagpuang patay sa dalampasigan sa Antique

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2018 08:59 AM

Natagpuang patay ang isang lalaki sa dalampasigan ng Barangay Borocboroc, Belison, Antique Biyernes ng umaga.

Kinilala ito bilang si Ernesto Galido, 69 anyos na magsasaka, na natagpuang may sugat sa ulo.

Lumabas sa autopsy na asphyxia o pagkalunod ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Huling nakita ang magsasaka nitong Huwebes ng gabi, ayon kay Broderick Train, Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer ng Antique.

Posible umanong nadulas at nahulog sa ilog ang biktima.

Hindi naman iniugnay ng PDRRM-Antique ang nangyaring insidente sa hagupit ng bagyong Ompong sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.