2 drug suspek, patay matapos manlaban umano sa pulis

Jekki Pascual at Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2018 03:45 AM | Updated as of Sep 16 2018 09:59 AM

(UPDATED) Napatay noong madaling araw ng Linggo ang 2 umanong tulak ng droga matapos manlaban sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ni Superintendent Joel Villanueva, hepe ng Batasan police station, ang 2 suspek bilang sina alyas "Payat" at "Barok" na miyembro umano ng drug group.

Nakahalata ang 2 suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya agad nilang pinaputukan ang mga awtoridad, ani Villanueva.

Napilitan din umanong magpaputok ang mga pulis kaya nasawi ang mga suspek.

Ayon pa sa pulisya, tauhan ang 2 ng ng isang Noe Dormitoryo, ang nangungunang drug personality ng Batasan police station na naaresto noong nakaraang linggo.

Inaalam na ng pulis kung may iba pang kagrupo ang mga napatay na suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.