MAYNILA - Naaresto na ng PNP sa Parañaque City ang 6 na lalaki na sangkot umano sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Cockpit Arena sa noong Enero 2022.
Ayon kay PNP Chief General Acorda Jr., sa bisa ng warrant of arrest naaresto ang anim nitong Biyernes ng hapon.
Dalawang buwan umanong nagsagawa ng surveillance ang PNP para maaresto ang mga suspek.
Bukod sa anim na suspek, naaresto rin ang dalawa nilang kasamahan.
Ayon kay CIDG Regional Field Unit 4A chief P/Col. Jack Malinao, naging mahirap kanilang isinagawang surveillance dahil palipat lipat ng lugar ang mga suspek.
Wala pa aniya silang hawak na impormasyon kung nasaan mga mga nawawalang sabungero at kung bakit sila dinukot sa naturang sabungan sa Sta. Ana, Maynila.
Isinailalim na sa booking procedures sa headquarters ng CIDG ang mga naaresto na posibleng maharap sa reklamong kidnapping and serious illegal detention habang dadalhin muna sila sa regional office nito sa Calamba.
Matatandaan na noong Enero 13, 2022, nagreport ang mga kamag-anak ng anim na nawawalang sabungero sa Manila Cockpit Arena.
Nananawagan naman ang PNP sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero na huwag mawalan ng pag-asa dahil patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon.
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.