Kuha ni Aslani C. Montila
MARAWI CITY — Patay ang 2 estudyante matapos barilin ng riding-in-tandem na suspek sa loob ng Mindanao State University sa Marawi City, Martes ng gabi, ayon sa pulisya.
Pauwi na sa kanilang dormitoryo sina Omar Maruhom Zainal at Hamza Ariong Rauf nang biglang pagbabarilin ng 2 lalaking nakasakay sa motorsiklo, sabi ng pulisya.
Dead on the spot ang mga biktima dahil sa tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril.
"These two young men have come to MSU because they had dreams for themselves and their families, and it is dismaying and frustrating that these dreams have been destroyed by a senseless taking of their lives," sabi ng MSU administration sa isang pahayag sa Facebook.
Nagpaabot ng pakikiramay ang pamantasan sa pamilya ng mga namatay, at kinondena nito ang pamamaril.
"This abominable act of violence is an assault on the Ideals that we as a civilized, God-fearing and peace-loving Muslim community live by," ayon sa pamunuan.
"It is one with the constituents in the outpouring of grief, dismay and outrage that such a crime would be committed inside the campus, which should be a safe space for students and constituents who study, work and reside within."
Nangako ang MUS administration na aalamin nito ang katotohonan sa pangyayari, at pamumunuan nito ang pagpapanagot sa mga suspek.
"They must pay for their crime," anila.
"While authorities go about their job of investigating the heinous crime and determining the identities of the people involved, the public is cautioned to do its part by avoiding wanton speculations that could only sow confusion and spread fear or panic," paalala naman nito.
Virtual ang klase sa MSU, pero maraming estudyante mula sa malalayong bayan ang nananatili sa kanilang dormitoryo. Ito ay para makadalo sila sa kanilang online classes dahil sa malakas na internet connection sa loob ng campus.
Sa kabila ng pagbabawal sa mass gathering, nag-rally ang ilang estudyante bilang pagkondena sa krimen.
Inihayag nila ang takot para sa kanilang kaligtasan, lalo't marami na rin daw ang mga pinatay sa loob ng campus na hindi nabibigyan ng hustisya.
Ang mga hindi nakadalo sa rally ay nagpalit ng profile picture sa kanilang Facebook account ng graphic na may katagang, "Safe Pa Ba Kami?"
Ilang estudyante ang humiling na maglagay ng CCTV sa loob ng campus at paigtingin ang seguridad dito.
KAUGNAY NA VIDEO
— Ulat ni Roxanne Arevalo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.