TAGUM, Davao del Norte - Kinumpirma ng COVID-19 Tagum City Task Force nitong Martes na may community transmission na ng coronavirus sa lungsod.
Ito’y matapos magpositibo sa sakit ang isang tindera sa Tagum City Public Market, na siya ang itinuturing na pinagmulan ng COVID-19 sa lugar.
Sa ngayon, may 2 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ang isang pasyente ay residente ng Barangay Mankilam na namalengke sa Tagum City Public Market noong Agosto 29 habang ang isa naman ay residente ng Barangay Canocotan at namalengke sa talipapa ng Barangay San Miguel.
Una nang isinailalim sa decontamination ang palengke at isinara sa publiko noong Setyembre 8 hanggang 14.
Muling nanawagan sa publiko ang task force na sundin ang public health standards para mapigilan ang pagkalat ng virus. - Ulat ni Vina Araneta
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, Tagum City COVID-19 update, Tagum City COVID-19 cases, Davao del Norte COVID-19 update, Davao del Norte COVID-19 cases, COVID-19, coronavirus disease 2019, novel coronavirus