Lalaki natagpuang patay, nakagapos ang kamay sa Bacolod quarry site

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 03:25 PM

Isang lalaki ang natagpuang patay sa isang quarry site sa Barangay Alangilan, Bacolod City ngayong umaga ng Linggo.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Ryan Delgado, 29, na katulong ng caretaker ng quarry site sa Sitio Arceo sa barangay.

Nang mahanap ang bangkay ni Delgado, naka-underwear na lang ito at nakagapos ang mga kamay sa kaniyang likod.

Nakitaan ng 2 tama ng bala sa ulo at isang tama sa dibdib ang biktima, ayon kay Capt. Romulo Gepilango.

Nahanap din sa crime scene ang tsinelas at flashlight ng biktima.

Patuloy na iniimbestigahan ang kaso. -- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.