Hinihinalang carnapper patay, kasabwat arestado sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 03:57 PM

MAYNILA — Patay sa engkuwentro ang isang hinihinalang carnapper matapos umano nitong makipagbarilan sa pulis sa Las Piñas City nitong Linggo.

Sa inisyal na impormasyon mula sa pulisya, nangyari ang insidente sa Tionquiao Street sa Barangay Manuyo II.

Binabaybay umano ng biktimang pulis ang naturang kalsada nang subukang agawin ng 2 suspek ang motorsiklo niya.

Nauwi sa barilan ang pagnanakaw na ikinamatay ng isa sa mga suspek.

Naaresto naman ang isang kasabwat.

Wala pang pagkakakilanlan ang 2 suspek. —Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.