Guro sa Albay, nakuhanan ng P68,000 halaga ng hinihinalang shabu

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 10:30 PM | Updated as of Sep 15 2019 11:54 PM

Arestado ang isang 38 anyos na guro sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Balza sa bayan ng Malinao, Albay Linggo ng hapon.

Ayon sa pulisya, kasama sa target list nila sa bayan ng Tiwi ang suspek na isang public elementary school teacher. Sangkot umano ito sa pagbebenta ng ilegal na droga sa bayan.

Nakuhanan ng 2 sachet ng shabu na nasa 10 gramo ang suspek.

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency sa lalawigan ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.