2 lalaki natagpuang patay, may saksak sa leeg sa Puerto Princesa

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2019 03:54 PM

Natagpuan ngayong Linggo ang mga bangkay ng 2 lalaki sa isang nakaparadang tricycle sa Puerto Princesa, Palawan.

Laslas ang mga leeg at nakagapos ang mga kamay ng mga biktimang sina Henry Gazo at Ivan Ombion nang mahanap sila ng pulisya sa tricycle sa may National Highway sa Barangay Santa Cruz.

Nahanap din ang karatulang may nakasaluta na, "Mga magnanakaw ng manok, huwag tularan."

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen. Inaalam din kung may kinalaman ito sa dating kaso ng pagnanakaw ni Gazo.-- Ulat ni Rex Ruta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.